Showing posts with label lakwatsa. Show all posts
Showing posts with label lakwatsa. Show all posts

Tuesday, September 15, 2009

"In My Life"movie premiere








Last night I was invited by my friend to watch the premiere night of IN MY LIFE at SM Megamall. Sabi ng friend ko punta daw ako ng mega at around 8pm and dun na lang kami magkita. I decided to wait at Polo Locco sa ground floor ng mega and to keep me busy I just read my pocketbook. It was quarter to 9 nung magkita kme sa mega sabi nya galing pa sila sa Trinoma kse meron din movie premiere ng In My Life. He hand me this Press ID and told me to follow John Llloyd Cruz when he enters the mall. Grabe ang daming tao, sa labas ng mall at loob ng mall, around the escalator punong-puno walang akong masabi sa mga fans. Then here came John Lloyd so ako naman sunod-sunod lang sa likuran nya together with security grabe ang gwapo niya as in makalaglag panty. From ground floor to the cinema kasama ko sya even sa red carpet kasama ko sya maglakad. Feeling ko sobrang lucky ko na. Wala akong ibang marinig kundi tilian ng fans habang naglalakad kami going upstairs. Feeling ko artista na din ako na tinitilian ng fans. hehehe... Sayang nga lang I havent had the chance na magpa-picture with him kse dinumog na siya ng mga reporters. Then dumating na din si Ms. Vilma Santos, with her husband Sen. Ralph Recto, Luis Manzano and her youngest son. As I enter the cinema ganun pa din ang mga Vilmanians todo tilian and praises kay Ms. Vilma. Even fans ni John Lloyd and Luis Manzano ganun din.

What can I say About the movie? It's fantastic, never before seen story for a movie...
Sobrang ganda, yung movie trailer na napapanood natin sa TV kulang pa yun halos kalahati pa lang yun. There is more to reveal on the movie. Not to exaggerate pero ang totoo yung dala kong panyo basang-basa kakaiyak ko while watching the movie. Sobrang akong-ako. Panalong-panalo, Its a story about two gay couple living in New York and a mom who's migrating with them, struggling and trying to survive the life in New York. Basta madami pa I don't wanna elaborate more para may suspense. Sa movie matatawa ka, maiiyak ka at kakabahan ng bonggang bongga. The acting was superb, this shows how versatile John Lloyd. Yung batuhan ng linya nilang tatlo ang galing. Award winning ang movie same with the Actors and Actresses. I'm sure blockbuster movie ito.

Actually, I'm planning to watch it again together with my mom this coming Sunday at Galleria. Since she is a Vilmanian at the same time makaka-relate sya sa story sa mga nangyari sa akin and to my ex-lover na hindi nya pinaboran before. I just hope after mapanood ng mommy ko maintindihan nya ako ng lubusan and why do gay men exist in this world. And I know for sure magugustuhan din ng mommy ko ang story ng movie.

Paglabas ko ng movie house namamaga mga mata ko, as in lumobo kakaiyak sa movie. Nagka-mood swings tuloy ako, lungkot-lungkutan. Even here sa office when I came in sabi ng officemates ko namamaga daw mata ko. Sabi ko nanood kse ako ng premiere night kagabi ang sobrang dalang-dala ako sa story ang crayola to the max ako.

We'll nood na and see for yourself...

Thursday, September 10, 2009

KIMMY DORA kambal sa kiyeme



last sept. 1, 2009 i was invited again to watch the celebrity premiere of KIMMY DORA at SM Megamall. After work I went straight to megamall to meet up my friend who had the ticket. It was so funny, nakakaloka ang kulit ni eugene domingo. this was a big break for eugene. dati-rati side kick lang sya ni Ai-ai pero ngayon lead star sya without any side kick. ang hirap kaya nun.
i hope kumita yung movie ni eugene and honestly hilarious talaga.

Wednesday, September 9, 2009

Star Magic Ball April 30, 2009










last april 30, 2009 I was invited by a friend from abs-cbn to attend the Star Magic Ball '09 sa Shangri-La Makati. so ako sama naman, here are the pics of my favorite artistas, nakakahiya man pero keri lang like ko naman talaga sila.

Monday, August 3, 2009

Sony PSP


I just won a Sony PSP last Sunday afternoon at SM SouthMall, actually meron silang event, launching ng WiFi ng buong mall. I was invited by a friend to accompany him on the said event. He asked me to register coz they have a raffle on the later part of the event. I wasn't expecting anything because I know hindi ako swerte sa mga ganitong klaseng raffle, as in never in whole life na nanalo ako sa raffle. Ay, meron pala sa ending when I was in grade 5. hehehe...
I was not nervous or anything wala din ako naramdaman na kaba na ako mabubunot sa raffle.
Luckily ako nga ang winner, sarap ng feeling overwhelming, pakiramdaman ko napakalaki ng premyo na nakuha ko. May pasalubong na din ako sa mga pamangkin ko kse they had been asking me to buy them a PSP.

Thursday, July 30, 2009

special screening


Last night July 30, 2009 at Robinson's Galleria held the special screening of Little Boy Big Boy. Thanks to the writer Mr. Lex Bonife for the ticket I was able to watch the movie. Honestly the movie was great each and one of us can relate to the story. Actually I found myself crying in the middle of the movie. The directions was good Mr. J. Altarejos and hope we all support this movie. Keep it Up guys!

Friday, July 24, 2009

big boy premiere



Thanks for your interest in Big Boy
You get one free invite to the premiere. Just show up around 630pm at Galleria Cinema 5, Jul 30.
And text me at *********** on that day. thanks!

Lex Bonife
Screenwriter & Yoga Teacher
"The gay man is an affirmation of the complexity of the human being" (Lex Bonife)



_ Thank you Lex for the free invite, sino din sa inyo ang manonood ng premiere night. Please message me here para naman may kasama din ako manood.

Tuesday, July 21, 2009

the wedding

kasal ni charlie

kasal ni Albert Dalawa sa mga officemates ko ang kinasal this July '09 at syempre present ako para hindi naman sila magtampo. Yung una sa Vista Verde Country Club Cainta yung reception and yung pangalawa sa Lake Villa Resort Binangonan naman ang reception. Congrats and Best Wishes sa inyo. Live Happy and enjoy your married life.

Monday, June 15, 2009

Extra sa Commercial


last friday night June 12, I went to my friends house kila Gilbert sa mandaluyong. As usual inuman and walang humpay na kwentuhan. Maya-maya nag-txt sa kanya c Jaymie officemate nya from ELAN modelling agency, sabi nag-back out daw yung isang talent nilang batang lalaki. Tinanong naman ako ni Gilbert kung meron me pamangkin na age 5 to 7 years old boy sabi ko meron si JR. So ask nya agad kung pwede sya tomorrow morning 7:30am para mag extra sa commercial ng catsup. Sabi ko I'll ask first her mom kung pwede. After calling my sister, payag naman siya and para ma-experience naman daw ng bata malay mo madaanan siya ng camera makita pa sa tv. So payag na ang mommy nya yun nga lang ako ang yaya kasi may baby syang 3 months old syempre hindi naman pwedeng iwan yun. Natapos me makipag-inuman kay Gilbert around 1am and naka-uwi ako around 2am na. Diretso tulog agad kse dapat 5am gsing na ako kse sunduin ko pa si JR and biyahe pa kme sa location sa Pasay.

The following day, I woke up around 5:15am. Cleaned up Wacky and pinakain ko muna, took a bath and karipas na papunta sa house ng sister ko para sunduin si JR. Mga 6:20am na nang dumating ako sa house ng sister ko sabi ko mag-taxi na lang kami para umabot kami sa call time na 7:30am. Habang nasa taxi palagi kong tinatanong si JR kung nahihilo ba kasi baka magsuka. Sabi nya Tito saan ba tayo pupunta? at kaninong Birthday ba yun?. Anu daw? Natawa ako sabi ko sa Pasay tayo pupunta at hindi Birthday ang pupuntahan natin kundi shooting ng commercial. Tito anu yung Commercial? Ang commercial sa tagalog ay patalastas, ito yung napapanood mo sa tv kapag tapos na yung palabas. Katulad nung bulilit-bulilit, aarte kayo kung ano sasabihin nang director. Tumahimik lang si JR malamang naiintindihan nya naman ng kaunti yong paliwanag ko.

Sa kanto kung saan kakaliwa dapat ang taxi nakita ko na si Jaymie yung contact ko para sa commercial. So, bumaba na rin kami ni JR at naglakad na lang patungong Revolver Studio kung saan gagawin ang shooting. Dumating kami on time then may nakahain na agad sa breakfast para sa amin. Eat muna ng konti pakondisyon sa bata, kung anu gusto nya binibigay ko para hindi mag-tantrums later on.

Start na ng shooting binihisan ko na sya ng pang school uniform na binigay ng staff kasi ang set up nila nasa classroom sila. Mas excited yata ako kaysa kay JR, lumabas ang pagiging stage uncle ko. Nakakapagod kasi paulit-ulit yung takes pero mukha namang nag-eenjoy silang mga kids sa ginagawa nila. Alas dose na ng tanghali hindi pa din tapos ang shooting, break muna 1 hour para makakain and konting rest ang mga bata then shoot ulit ng hanggang 3pm sa wakas tapos na din at makaka-uwi na kami. Talent Fee nga pala ni JR is 1K, not bad.

Thursday, May 28, 2009

Red Horse MUSIKLABAN

Two weeks ago, when I got home nag text pamangkin ko sa akin.

Trix: t2 anu gwa m? r u free 2nyt?
Cron: bukit? san tayo gogora?
Trix: dyan lng s Super 8, mern musiklaban naun.
Cron: Go! call me sa haus

Nagkita kme ng pamangkin sa kanto ng countryside, then diresto na sa beer fest. kasama din namin c Mrancey pero andun sya sa mga tropa nya.





1 cup of Red Horse is equal to 1 beer stub, to be able to have a Musiklaban T-shirt, you have to get 15 beer stub. Sa request ni Mrancey na magkaroon anu pa nga ba kundi ako ang nag-sponsor.
Sarap talaga ng Red Horse. Medyo konsintidor din akong tito. ok lang sa akin ang uminom and mag-yosi as long as kasama ako. in fairness, maraming band na nag perform pero isa lang ang natandaan ko yung nag finale Kamikaze, sobrang galing nila and so funny.

Monday, May 25, 2009

WEEKEND

Saturday afternoon walang magawa sa bahay so I called up my friend Anthony para makipagkita mabuti na lang he was in the area of Cubao at Arayat. birthday ng Aunt nya sabi nya punta daw ako. nahihiya naman ako kase puro relatives nya yung nandun. but then sabi nya andun din daw barkada nya na c harvey at hector sabi ko na lang sa Gateway na lang tayo meet up after nyo dyan.
Around 630pm I was already at the mall when we meet up sa area ng food court. ang daming PLU as in, mukhang mga clan yata yun at ang babata pa. i asked anthony na gumimik with his friends but then hindi sila pwedeng dalawa yung isa pupuntahan yung lover nya and yung isa maaga daw gising tomorrow kse may laro sila ng badminton. so kme na lang ni anthony he asked me kung gusto ko manood ng mossimo bikini finals night ayoko i just want to drink lang. corny naman kung kmeng dalawa lang so sabi ko sa haus na lang niya and magtawag sya ng mga barkada nya magpapainom na lang ako. So natuloy nga sa haus nya with 3 of his friends, Mark, kenneth and Vince. Nagpabili na ako ng Red Horse and ayun inuman na. I miss my friend Anthony I was 15 when we became friend high school pala ako nun and he was in college sa Pasig magkapit-bahay kami before. Tawanan, chikahan and kariran.... I dont know pero I was not in the mood that night para sa karir. Inumpisahan ni Mark na katabi ko sa bangko, he is cute and medyo naughty. pinangalawahan naman ni Kenneth, maputi at gwapo. I dont remember what happened that night sobrang laseng kse ako. Around 3am na ako nakatulog

The next day while I was having a coffee sabi ni Anthony, his officemate texted him informing that he is in charge of having an interview with Kris Aquino for VIP Pass for her new album We are 1. He asked me if I wanted to come with him.
Yes, sumama nga ako and I told him I wanna watch ASAP 09.


I enjoyed the show and yung mga crush ko na artista I saw them in person. Naiinis ako kse hindi ko dala yung digicam ko para mas malinaw yung pic, cp lang kse gamit ko eh. maybe next time and mapapa-picture pa ako with some of the artista i like kahit sabihin nyong ka-cheapan.
hehehe. After the show nagpa-interview na si Kris Aquino dun sa dressing room nya. Manonood pa sana kme ng The Buzz pero gusto ko nang umuwi and masakit ulo ni Anthony mukhang may hang over pa.

Wednesday, May 20, 2009

Divisoria and Quiapo Manila

168 Mall

Yesterday nag leave ako from work. wala lang tinamad na naman ako pumasok sa trabaho, feeling ko I need a break. I need a break pero hindi naman ako nagpahinga. Nagpunta ako sa Divisoria and Quiapo mag-isa. Around 11:25 am ako umalis ng bahay. Sinubukan ko sumakay ng MRT line 2 from Santolan Station to Recto, honestly excited ako kase bibihira lang ako sumakay ng MRT atsaka natutuwa ako kapag binabanggit na ang station ng Betty Go - Belmonte. Habang bumabiyahe inorasan ko from Santolan Station to Recto Station inabot ng 25 minutes hindi naman ako naiinip. So sakay pa ng isang jeep to Divisoria, nakarating ako ng Divisoria aroung 12:30nn kasama na dyan ang dalawang sakay ko pa ng jeep nung papunta pa lang akong MRT. as usual diretso agad sa 168 Mall kung saan mas gamay ko ang tawaran. wala akong ibang tinarget kundi ang pamimili ng bag sabi din kse ng officemate kong gurl ibili ko din daw sya ng bag. Una kong inikot ang 1st flr canvass ng mga bags at nakikipag tawaran, una kong hinanap ang favorite kong designer bag na Louis Vuitton. Adik ako sa LV mapa wallet, purse, bags, card holder, cigar case, passport holder, check holder at kugn anu-ano pa. basta may tatak ng LV ok na sa akin yun. yun nga lang fake lahat ng LV ko, mahal kse ang original at can't afford pa ako. siguro kapag sobra-sobra na ang pera ko tsaka na pa lang ako makakabili ng original.
Sa wakas nakahanap din ako ng like ko na LV bag. Sunod ko naman na inakyat ang 2nd floor hanap pa din ako ng bags. ang mga nabili ko sa 168 Mall, 5 bags...LV, 2 Coach,Tous, brandless brown bag. Sobrang mura ng bags lalo na kung marunong kang makipag-tawaran syempre gumana yung charm ko dun at nakuha ko yung mga gusto kong bag sa reasonable na price. It cost me 1,220 para sa limang bags. O diba sobrang mura.
Mga 3:20 ng hapon ng makaramdam ako ng gutom, tsaka ko naalala na hindi pa pala ako nag lunch. Sabi ko na lang sa sarili ko sa Quiapo Jollibee na lang ako kakain. So alis na ako agad and lakad patungong sakayan ng jeep patungnong recto.


Isetan Recto

after ko sumakay ng jeep bumaba ako sa likod ng Isetan Recto, at dun ko sinimulan kong maglakad papuntang Quiapo. Habang naglalakad ako napakarami kong naiisip at naalala.
Honestly, napaka liberating ng araw na yun para sa akin, na ako lang mag-isa bumiyahe at namasyal, hindi ko iniintindi ang oras, hindi ako nagmamadali, at hindi ako nagaalala. ni hindi ko inalala na nasa ibang lugar ako at baka mapahamak ako. Naalala ko tuloy nung college days ko, na ang ugali ko ay mag malling mag-isa, manood ng movie mag-isa, at kumain mag-isa sa kahit sang foodchain.

Quiapo Church

Hanggang sa marating ko ang Quiapo, pasok muna sa simbahan nagdasal at nagpasalamat. pagkatapos diretso na ulit sa mga pasilyo ng Carriedo na madalas kong bilhan ng mga bag. Napa-isip ako hindi ko pa pala nabibilhan ang officemate ko ng bag. Ang hirap kse pumili ng bag para sa kanya, kse ang number 1 issue dapat matibay yung handle. Bakit? kse kapag sinubukan mong buhatin ang bag na gamit nya mapapatanong ka na ano bang laman nito at napaka-bigat. Ewan ko ba at parang tool box yung bag nya sa bigat at lahat ng bag nya nasisira yung handle. 2nd issue dapat maganda, ang hirap pumili kse napakaraming magandang bag at yung durability issue dapat i-consider. Sa kaka-ikot ko nakahanap din ako ng 2 bags para sa kanya Coach and Prada. Taray diba worth 570. Shopaholic! Tsaka pa lang ako kumain ng burger steak sa Jollibee. Around 5:45 na ako ng sumakay ng G-Liner pauwi pinili ko ng mag bus kahit mabagal ang byahe pero comfortable naman at isang sakay lang, pagbaba ko tatawid na lang and konting lakad lang nasa bahay na ako. mga 7:50 na ako nakarating ng bahay.

Sana magawa ko ulit ito na ako lang mag-isa.