Monday, June 15, 2009
Extra sa Commercial
last friday night June 12, I went to my friends house kila Gilbert sa mandaluyong. As usual inuman and walang humpay na kwentuhan. Maya-maya nag-txt sa kanya c Jaymie officemate nya from ELAN modelling agency, sabi nag-back out daw yung isang talent nilang batang lalaki. Tinanong naman ako ni Gilbert kung meron me pamangkin na age 5 to 7 years old boy sabi ko meron si JR. So ask nya agad kung pwede sya tomorrow morning 7:30am para mag extra sa commercial ng catsup. Sabi ko I'll ask first her mom kung pwede. After calling my sister, payag naman siya and para ma-experience naman daw ng bata malay mo madaanan siya ng camera makita pa sa tv. So payag na ang mommy nya yun nga lang ako ang yaya kasi may baby syang 3 months old syempre hindi naman pwedeng iwan yun. Natapos me makipag-inuman kay Gilbert around 1am and naka-uwi ako around 2am na. Diretso tulog agad kse dapat 5am gsing na ako kse sunduin ko pa si JR and biyahe pa kme sa location sa Pasay.
The following day, I woke up around 5:15am. Cleaned up Wacky and pinakain ko muna, took a bath and karipas na papunta sa house ng sister ko para sunduin si JR. Mga 6:20am na nang dumating ako sa house ng sister ko sabi ko mag-taxi na lang kami para umabot kami sa call time na 7:30am. Habang nasa taxi palagi kong tinatanong si JR kung nahihilo ba kasi baka magsuka. Sabi nya Tito saan ba tayo pupunta? at kaninong Birthday ba yun?. Anu daw? Natawa ako sabi ko sa Pasay tayo pupunta at hindi Birthday ang pupuntahan natin kundi shooting ng commercial. Tito anu yung Commercial? Ang commercial sa tagalog ay patalastas, ito yung napapanood mo sa tv kapag tapos na yung palabas. Katulad nung bulilit-bulilit, aarte kayo kung ano sasabihin nang director. Tumahimik lang si JR malamang naiintindihan nya naman ng kaunti yong paliwanag ko.
Sa kanto kung saan kakaliwa dapat ang taxi nakita ko na si Jaymie yung contact ko para sa commercial. So, bumaba na rin kami ni JR at naglakad na lang patungong Revolver Studio kung saan gagawin ang shooting. Dumating kami on time then may nakahain na agad sa breakfast para sa amin. Eat muna ng konti pakondisyon sa bata, kung anu gusto nya binibigay ko para hindi mag-tantrums later on.
Start na ng shooting binihisan ko na sya ng pang school uniform na binigay ng staff kasi ang set up nila nasa classroom sila. Mas excited yata ako kaysa kay JR, lumabas ang pagiging stage uncle ko. Nakakapagod kasi paulit-ulit yung takes pero mukha namang nag-eenjoy silang mga kids sa ginagawa nila. Alas dose na ng tanghali hindi pa din tapos ang shooting, break muna 1 hour para makakain and konting rest ang mga bata then shoot ulit ng hanggang 3pm sa wakas tapos na din at makaka-uwi na kami. Talent Fee nga pala ni JR is 1K, not bad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment