Tuesday, September 15, 2009
"In My Life"movie premiere
Last night I was invited by my friend to watch the premiere night of IN MY LIFE at SM Megamall. Sabi ng friend ko punta daw ako ng mega at around 8pm and dun na lang kami magkita. I decided to wait at Polo Locco sa ground floor ng mega and to keep me busy I just read my pocketbook. It was quarter to 9 nung magkita kme sa mega sabi nya galing pa sila sa Trinoma kse meron din movie premiere ng In My Life. He hand me this Press ID and told me to follow John Llloyd Cruz when he enters the mall. Grabe ang daming tao, sa labas ng mall at loob ng mall, around the escalator punong-puno walang akong masabi sa mga fans. Then here came John Lloyd so ako naman sunod-sunod lang sa likuran nya together with security grabe ang gwapo niya as in makalaglag panty. From ground floor to the cinema kasama ko sya even sa red carpet kasama ko sya maglakad. Feeling ko sobrang lucky ko na. Wala akong ibang marinig kundi tilian ng fans habang naglalakad kami going upstairs. Feeling ko artista na din ako na tinitilian ng fans. hehehe... Sayang nga lang I havent had the chance na magpa-picture with him kse dinumog na siya ng mga reporters. Then dumating na din si Ms. Vilma Santos, with her husband Sen. Ralph Recto, Luis Manzano and her youngest son. As I enter the cinema ganun pa din ang mga Vilmanians todo tilian and praises kay Ms. Vilma. Even fans ni John Lloyd and Luis Manzano ganun din.
What can I say About the movie? It's fantastic, never before seen story for a movie...
Sobrang ganda, yung movie trailer na napapanood natin sa TV kulang pa yun halos kalahati pa lang yun. There is more to reveal on the movie. Not to exaggerate pero ang totoo yung dala kong panyo basang-basa kakaiyak ko while watching the movie. Sobrang akong-ako. Panalong-panalo, Its a story about two gay couple living in New York and a mom who's migrating with them, struggling and trying to survive the life in New York. Basta madami pa I don't wanna elaborate more para may suspense. Sa movie matatawa ka, maiiyak ka at kakabahan ng bonggang bongga. The acting was superb, this shows how versatile John Lloyd. Yung batuhan ng linya nilang tatlo ang galing. Award winning ang movie same with the Actors and Actresses. I'm sure blockbuster movie ito.
Actually, I'm planning to watch it again together with my mom this coming Sunday at Galleria. Since she is a Vilmanian at the same time makaka-relate sya sa story sa mga nangyari sa akin and to my ex-lover na hindi nya pinaboran before. I just hope after mapanood ng mommy ko maintindihan nya ako ng lubusan and why do gay men exist in this world. And I know for sure magugustuhan din ng mommy ko ang story ng movie.
Paglabas ko ng movie house namamaga mga mata ko, as in lumobo kakaiyak sa movie. Nagka-mood swings tuloy ako, lungkot-lungkutan. Even here sa office when I came in sabi ng officemates ko namamaga daw mata ko. Sabi ko nanood kse ako ng premiere night kagabi ang sobrang dalang-dala ako sa story ang crayola to the max ako.
We'll nood na and see for yourself...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment