168 Mall
Yesterday nag leave ako from work. wala lang tinamad na naman ako pumasok sa trabaho, feeling ko I need a break. I need a break pero hindi naman ako nagpahinga. Nagpunta ako sa Divisoria and Quiapo mag-isa. Around 11:25 am ako umalis ng bahay. Sinubukan ko sumakay ng MRT line 2 from Santolan Station to Recto, honestly excited ako kase bibihira lang ako sumakay ng MRT atsaka natutuwa ako kapag binabanggit na ang station ng Betty Go - Belmonte. Habang bumabiyahe inorasan ko from Santolan Station to Recto Station inabot ng 25 minutes hindi naman ako naiinip. So sakay pa ng isang jeep to Divisoria, nakarating ako ng Divisoria aroung 12:30nn kasama na dyan ang dalawang sakay ko pa ng jeep nung papunta pa lang akong MRT. as usual diretso agad sa 168 Mall kung saan mas gamay ko ang tawaran. wala akong ibang tinarget kundi ang pamimili ng bag sabi din kse ng officemate kong gurl ibili ko din daw sya ng bag. Una kong inikot ang 1st flr canvass ng mga bags at nakikipag tawaran, una kong hinanap ang favorite kong designer bag na Louis Vuitton. Adik ako sa LV mapa wallet, purse, bags, card holder, cigar case, passport holder, check holder at kugn anu-ano pa. basta may tatak ng LV ok na sa akin yun. yun nga lang fake lahat ng LV ko, mahal kse ang original at can't afford pa ako. siguro kapag sobra-sobra na ang pera ko tsaka na pa lang ako makakabili ng original.
Sa wakas nakahanap din ako ng like ko na LV bag. Sunod ko naman na inakyat ang 2nd floor hanap pa din ako ng bags. ang mga nabili ko sa 168 Mall, 5 bags...LV, 2 Coach,Tous, brandless brown bag. Sobrang mura ng bags lalo na kung marunong kang makipag-tawaran syempre gumana yung charm ko dun at nakuha ko yung mga gusto kong bag sa reasonable na price. It cost me 1,220 para sa limang bags. O diba sobrang mura.
Mga 3:20 ng hapon ng makaramdam ako ng gutom, tsaka ko naalala na hindi pa pala ako nag lunch. Sabi ko na lang sa sarili ko sa Quiapo Jollibee na lang ako kakain. So alis na ako agad and lakad patungong sakayan ng jeep patungnong recto.
Isetan Recto
after ko sumakay ng jeep bumaba ako sa likod ng Isetan Recto, at dun ko sinimulan kong maglakad papuntang Quiapo. Habang naglalakad ako napakarami kong naiisip at naalala.
Honestly, napaka liberating ng araw na yun para sa akin, na ako lang mag-isa bumiyahe at namasyal, hindi ko iniintindi ang oras, hindi ako nagmamadali, at hindi ako nagaalala. ni hindi ko inalala na nasa ibang lugar ako at baka mapahamak ako. Naalala ko tuloy nung college days ko, na ang ugali ko ay mag malling mag-isa, manood ng movie mag-isa, at kumain mag-isa sa kahit sang foodchain.
Quiapo Church
Hanggang sa marating ko ang Quiapo, pasok muna sa simbahan nagdasal at nagpasalamat. pagkatapos diretso na ulit sa mga pasilyo ng Carriedo na madalas kong bilhan ng mga bag. Napa-isip ako hindi ko pa pala nabibilhan ang officemate ko ng bag. Ang hirap kse pumili ng bag para sa kanya, kse ang number 1 issue dapat matibay yung handle. Bakit? kse kapag sinubukan mong buhatin ang bag na gamit nya mapapatanong ka na ano bang laman nito at napaka-bigat. Ewan ko ba at parang tool box yung bag nya sa bigat at lahat ng bag nya nasisira yung handle. 2nd issue dapat maganda, ang hirap pumili kse napakaraming magandang bag at yung durability issue dapat i-consider. Sa kaka-ikot ko nakahanap din ako ng 2 bags para sa kanya Coach and Prada. Taray diba worth 570. Shopaholic! Tsaka pa lang ako kumain ng burger steak sa Jollibee. Around 5:45 na ako ng sumakay ng G-Liner pauwi pinili ko ng mag bus kahit mabagal ang byahe pero comfortable naman at isang sakay lang, pagbaba ko tatawid na lang and konting lakad lang nasa bahay na ako. mga 7:50 na ako nakarating ng bahay.
Sana magawa ko ulit ito na ako lang mag-isa.
day off! hay
ReplyDeleteday off talaga friend
ReplyDelete