Wednesday, May 27, 2009

bj tantoco


browsing the net i found his pic, BJ Tantoco. actually hinanap ko talaga sya. Kanina sa office after my seminar sa HRD paglabas ko ng door sakto sya nakasalubong ko. Saktong-sakto in my face nagkatinginan kme and no reaction ako, pati rin sya, pero deep inside halos malaglag panty ko, bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan. crush na crush ko talaga sya ewan ko ba. pinauna ko sya maglakad nasa likod nya ako basta hindi ako nakapagsalita, umurong dila ko at parang napipi ako kahit "Hi" man lang hindi ko nabanggit.
Pag-akyat ko sa office naikwento ko sa officemate kong gurl na si Raine, ayun tawang-tawa. umuurong daw balls ko kapag nakikita sya napupunta sa leeg ko, haller wala akong goiter. tsaka sabi nya kapag nakasalubong namin hihiyain nya daw ako and ipapa-kausap. then nag-aya sya mag-cr sumama naman ako. habang nagkwekwentuhan kme about BJ papuntang cr, sakto biglang lumitaw si BJ sa harapan namin ni Raine, napa-urong ako, at biglang namula buong mukha ko. tapos biglang kinapitan ni raine yung braso ko para hindi ako makawala. tumalikod ako bigla at naghilahan kme papalayo kay BJ. nakahihiya sobrang obvious. basta nagtago ako dahil alam ko ang gagawin ni Raine sa akin hihiyain nya ako or ewan ko kung ano gagawin nya.
Bakit ganun hindi ako makaharap sa kanya ng diretso, or kahit kausapin sya siguro dahil crush na crush ko sya.
masyadong sweet noh at sobrang lambot parang cotton candy, pa feeling 16 years old. haaayyyyy.... kumpleto na naman araw ko.

No comments:

Post a Comment