Tuesday, June 9, 2009

History Repeats Itself

I was in a bad mood two weeks ago, as in sobra para akong sasabog sa kabwisitan gusto ko syang banatan, sapakin at patumbahin sa opisina nya para ipamukha sa kanya kung sino kinakatalo nya.

He used to be one of my bestbud dito sa company, eventhough magka-iba kami ng department we make it a point na every lunch time nagkikita kami para magyosi and kuwentuhan or kung hindi naman chikahan sa telepono. Matagal na din kami magkakilala since 2001, we first met dun sa isang company kung saan mag-officemates naman kami. I believe I treated him very well, lahat lahat ginawa ko kase nga were bestbuds. Sa gimik, sa trabaho, personal problems I'm always there to listen and helped him. Kaya hindi ko maintindihan inspite of me being helpful and dependable friend eh tataluhin ng kaibigan.

Nag-away na din kami dahil sa isang lalaki when we were in the other company. I had this prospect and he has his own also. Malaman-laman ko na lang na nagda-date na pala sila nung prospect ko. Ano ito sulutan? Initial reaction was ok lang pero in the process hindi pala. So, hindi ko na siya pinansin and it took us several months na hindi nag-uusap. All of our friends were saying na lalaki lang yan and ang lumalabas na may kasalanan ako pa, kasi ako yung ayaw makipag-ayos sa kanya. Since nanghihinayang ako sa friendship and sa pinagsamahan namin, nagkabati din kami. I ask him na mag-inuman ang forget about everything.

Until last March, I again had this prospect and he knows how I like the person so much. But, ganun pa din parehong-pareho style, same strategies, same ways. The guy was texting me and telling me that my friend was texting him. So to my dismay, I kept distance to both of them. I don't want complications and confusions kaya pinabayaan ko na lang sila, I don't know kung naging sila nga or whatever. Well, history repeats itself. ika nga
At first nag-uusap pa kami ng used to be bestbud ko pero siguro naramdam nya cold na ako. I try my best na maging civil and not to comment or talk about the issue. Until one day, hindi na rin sya nagpaparamdam, he never text me, he never visit and pick me up here in the office para magyosi. So, nagtanong yung bestfriend-officemate kong girl kung what happened. I just told her lahat, I think naintindihan nya ako. Even, sa lahat ng kakilala namin sa company was asking what happened. I just told them nothing, nagkaroon lang kami ng misunderstanding period.
So ako, cool lang ako sa office pero syempre deep inside sobrang disappointed and masama loob ko sa ginawa nya. Pero tahimik lang ako.

Days passes, I've been hearing not good things about me na galing sa kanya. Nagco-comment sya sa mga kaopisina ko, syempre ikukuwento nila sa akin at napapahiya ako. Ako naman palagi kong sinasabi na wala yun, magkaka-ayos din kami soon. Never akong nagsalita about the real issue or anything againts him sa lahat ng nakakakilala sa amin except sa officemate ko lang na gurl na nasasaktan ako sa mga sinasabi nya. As if, sa dami-dami ng narinig ko at patutsada nya hindi na kami magkaka-ayos pa.
Even sa manager nya nagkukuwento siya. Sabi ng manager nya na wag daw namin pagtalunan ang iisang lalaki, napakaraming fishes daw in the ocean. Hindi pa din ako nagsalita pero sa isip-isip ko bakit ganun kung anu yung gusto kong isda pilit nya ginugusto din. Mukha na namang masama ako kase ako yung pinagsasabihan.
Hanggang sa nakatanggap ng txt message yung bestfriend kong gurl coming from him, na nagco-comment na naman ng hindi maganda. Pinabasa sa akin syempre, hindi muna ako nag-react tumahimik lang ako. Sabi ni gurl himala wala daw akong reaction, ang hindi nya lang alam kumukulo na ang dugo ko nagtitimpi lang ako. Sa sobrang galit ko gusto ko talagang sugurin sya sa opisina niya, magkapahiyaan na, gusto ko siyang gulpuhin, hanggang sa sinabihan ko yung mga officemate ko na wag siyang magpapakita at sasalubong sa dadaanan ko kundi uupakan ko talaga siya. Lahat takang taka sinabi ko na lang masyadong matalim dila niya.
Nag text ako sa kanya "HOY P.I. KA INAANO BA KITA, KUNG ANU-ANONG KUMENTO NARIRINIG KO SAYO BAKA GUSTO MU SUGURIN KITA OPISINA MU AT MAKITA MU HINAHANAP MU." finally nagsalita din ako.
Galit na galit ako pero nagpipigil ako kasi kilala ko sarili ko baka kung anu magawa ko sa kanya.
Ewan ko lang kung makuha pa nyang magkumento na laban sa akin. Takot lang nya.

Last Sunday morning binisita ako ng elementary friend ko sa bahay, as usual walang humpay na kwentuhan hanggang sa kamustahin nya yung common friend namin. Naikwento ko sa kanya lahat ng nangyayari at naalala ko nangyari din pala sa kanya ito last January. Kaya mas lalong napasarap kwentuhan namin. Hanggang sa ma-realized ko na lahat ng gusto ko mapa-bagay man, lugar, or pangarap ko sa buhay ginagaya niya at dun ko naintindihan na pati pagpili ko sa lalaki eh ginugusto din nya. In short nai-inggit pala sya sa akin. How pathetic he is.
Nanghihinayang ako sa pingasamahan namin. Yung unang insidente pinagbigyan ko na, ngunit sa pangalawang pagkakataon ayoko na. Abusado naman sya.

Tao lang po marunong din magpatawad pero hindi kayang lumimot.

No comments:

Post a Comment