It been quite a while since my last post, wala me sa mood magsulat as in everyday parang palaging may aberya. Madalas akong malungkot lalo na kapag bago matulog, napakarami kong iniisip at hindi ko maintindihan sarili ko kaya heto todo na naman eyebags ko sa laki at nangingitim kakapuyat. Meron me isang bagay na hindi ko mapagdesisyonan kung itutuloy ko ba or hindi. Ito yung pag aabroad noong Holy Week when I was in Bataan, may tumawag sa cp ko si Mr. Othman from Saudi, he told me that he got my application from a talent pool sa net. He conducted the interview thru phone and he's now hiring me for Executive Secretary position. At first natuwa ako, pero nung napag-isip isip ko parang natatakot yata ako.
Before when I was still in college, nauso yung mga technician sa Taiwan, siguro mga nakatatlong apply ako hindi ako makapasa-pasa sa final interview. Pero kung tutuusin mas naniniwala ako na qualified ako compared dun sa mga natanggap. May offer sa akin sa Saipan, ayaw naman ng mommy ko so wala din ako nagawa. Nag-aapply din ako as Front Desk Officer sa Fairmont Hotel ng Dubai, nag final interview kami sa Oakwood Hotel sa Makati and ang nag-interview sa akin yung Operations manager ng Hotel pumunta pa dito sa Pinas. Unfortunately hindi na naman ako natanggap. Nagpunta din ako sa POEA nag-apply, nakalimutan ko na kung anong work yun and after a year sumulat sila sa akin pinag-rereport para sa final submission ng requirements and interview na naman. Ito naman yung mga panahon na wala na akong gana mag-abroad sa mga failures and rejections na natanggap ko. Last year sabi ko sa sarili ko susunod ako dun sa dati kong officemate na nasa Abu Dhabi ngayon, bago matapos yung taon inayos ko yung transcript of records ko pina authenticate ko, red ribbon kung tawagin, renew ng passport, renew ng NBI and apply for Driver's License. Nag-ipon din ako ng konting pera and nag loan ako sa bank ng 60K para sa pamasahe and visa. Kung kelan ready na ako, eto naman ang Global Recession walang patumanggang tanggalan sa trabaho at unti-unti nagsasara yung mga opisina sa Abu Dhabi according dun sa dati kong officemate. So, kung ganun na nga ayokong mag take ng risk kse siguradong talo ako dito, Sabi nya baka mahirapan ako maghanap ng trabaho ang pag nag expire yung tourist visa ko kelangan mag-exit sa neighboring country so another gastos na naman and baka mapunta lang sa wala yung perang inutang ko. Buti na lang pwede ko pang revoke yung approved loan ko sa bank. pumayag naman sila kase may 2 month period na allowance silang binigay sa akin. Tapos ngayon yung recent na trabaho papunta naman ng Dammam, Saudi Arabia, yes gusto ko pero parang aatras yata ako, hindi na ganon kalakas loob ko compared noong mas bata pa ako. Gusto kong subukan pero nagdadalawang isip ako na baka may problema na naman na pwedeng maging dahilan sa di ko pag-alis. Natatakot ako sa rejection. I still don't know kung itutuloy ko pa ito, sa ngayon meron na akong request for medical exam sa SM Lazo clinic. Ewan hindi ko maintindihan sarili ko.
No comments:
Post a Comment